About The Writers

Saturday, June 2, 2012

Lumayo ka na..Magagalit Si Bestfriend: Chapter 2

 Lumayo ka na...Magagalit Si Bestfriend


CHAPTER TWO


(JED’S POV)


Sino kaya tong naghahanap sakin?
May ginagawa ang tao eh! (kilala ako sa school bilang pinaka masungit na estudyante)
Paglabas ko may nakita akong babae. Ito siguro ang naghahanap sakin…



“yes? Anong kailangan mo?” masungit kong tanong.
Lumingon ako, nagulat ako at ganun din siya.

“Jenna?!”
“Jason?!”
“anong ginagawa mo dito?” gulat na tanong ko
“dito ako nag-aaral” simple niyang sagot
“namiss mo ako noh?” tukso ko sakanya (ako kasi, namiss kita.. SOBRA)
“Hindi ah! Mauna na ako” nainis yata si Jenna?
Tatalikod na siya ng hawakan ko ang kamay niya…
“oy! Usap muna tayo, alam ko naming miss na miss mo na ako” assuming ba ako masyado?
“Hindi nga eh!” naiirita niyang sabi (A-R-A-Y-!)
“kaysa mag-deny ka, why don’t you give me a hug” pang-iinis ko sakanya. Nagbabasakali akong pumayag siya. Natuwa naman ako sa sagot niya.
“Do it…yourself” sagot niya na sobra kong ikinatuwa.
“totoo? Di ka nagbibiro” paniniyak ko, mahirap nang masampal…
“kunga ayaw mo, edi wag!” nagtatampong sagot niya. Tatalikod na naman siya nang hinila at niyakap ko siya.
“eto naman nagtampo kahagad” sabi ko habang yakap ko pa rin siya. I miss her so more than much…
“Jason, bitawan mo na ako” hindi ko pinakinggan ang pakiusap niya. I still want her here...with me
“ano ba?! Jed, maraming tao” ayoko pa sana siyang bitawan pero baka magalit lalo.
“Ngayon pa nga lang tayo nagkita ulit nagalit kana kahagad” sabi ko sabay pout na parang batang inagawan ng candy
“aalis na ako, mag usap na lang tayo next time” sabay alis
Hindi ko na siya pinigilan,magkikita pa naman kami e.

Bumalik na ako sa room…
Hindi ako nakikinig …iniisip ko kasi si Jenna.
Gumanda siya lalo, pero ba’t kaya siya nandito?
At parang iniiwasan niya ako? Pero bakit niya ako pinuntahan sa room?
At saka parang hindi niya alam na ako si JED? Ahhh.. oo nga naman pala, mga classmate ko ang gumawa ng nickname na yun. Break na kaya sila ni Raffy? Hay… ang dami kong tanong!

Namiss ko talaga yun, first love ko eh. Pero umalis kami papuntang States, na hindi nagpapaalam sakanya, biglaan kasi. Kaya wala kaming Formal Break up. Hindi ko siya natiis kaya bumalik ako, pero nalamn ko na may boy friend niya si Raffy, ang Best Friend ko. Nagalit ako nung una, pero naiintindihan ko kasi ako naman ang may kasalanan, pinakawalan ko siya e.

Gusto kong ibalik ang relasyon namin noon pero ayaw kong saktan si Raffy na Best Friend ko, kaya lumayo na lang ako. Pero ngayon, I will win her back. Hanggang ngayon mahal ko pa rin siya.
Lumipat ako sa school na ito  kasi malayo sa school naming dati at malayo sakanila.
Ang pagkakakilala nila sa akin sa school ay guwapong-masungit. Maraming nag-paparamdam sakin kaso wala akong nagugustuhan. Pero nagka-gf ako si Lexi, naging kami dahil sa isang laro. Nag-dare sila sakin na magdadate kami ni Lexi. Pero pagkatapos ng date, pinagkalat niya na kami na. kaya ginawa na naming totoo pero after 2 months nakipag break din ako sakanya. Wala akong nararamdaman sakanya. Si Jenna pa rin kasi ang mahal ko…

Hintayin mo lang ako Jenna…
Babawiin kita…
Hinding-hindi na ako susuko…

No comments:

Post a Comment