Lumayo ka na… magagalit si Best Friend
(CHAPTER ONE)
Jenna’s POV
“unang araw ko sa school…
Sana marami na akong maging kaibigan”
Nakasanayan ko nang gawing dairy ang phone ko.
Kasalukuyan akong nagsusulat ng huminto sa pagda-drive ang driver namin.
“manong, bakit po?” tanong ni Jenna
“Ms. Jenna, nasiraan po tayo” sagot nito
“ako na lang po ang mag-isang pumunta ng school”
“sigurado po kayo, Ms?” paninigurado nito.
“opo” at lumabas na ng sasakyan
Ako nga pala si Jenna Rose Honasan, ang nag-iisang anak ng Pamilyang Honasan na isa sa mga may pinaka-malaking kumpanya sa Pilipinas. 3rd year High school na ako ngayon, nagpalipat ako ng school dahil nagsawa na ako sa environment ng dati naming school.
SPOILED BRAT ang pagkakakilala sa akin ng mga classmates ko noon, dahil ang pamilya naming ang may ari ng school na yon. At dahil doon natakot silang makipagkaibigan sakin. Wala akong kaibigan ngayon, pero dati meron si Jason. Since elementary magkaklasi kami niyan. Siya ang first boy friend ko, niligawan niya ako nung first year. 6 months lang kami dahil umalis sila papuntang states.
Wala kaming formal breakup ni Jason. Isa rin yang dahilan kung bakit ako lumipat. Ayaw ko ng maalala ang mga moments namin ni Jason sa school na iyon.
After two months of heartbreak, sinubukan kong makipag boy friend ulit upang makalimutan siya. Pero nakipag-break din ako, dahil mas naalala ko pa si Jason.
Tatawid na ako ng kalsada para pumunta sa school na nasa harapan na lang, nang may nakita akong kotseng mabilis ang takbo. Anumang oras pwedi na akong mabangga. Dahil sa sobrang shocked di ako makagalaw para umiwas sa paparating na kotse.
At may biglang tumulak sakin palayo ng kalsada. Wala pa rin akong imik dahil sa nangyari. Namumuta ako….
“you’re safe” at niyakap ako nung babaeng nagligtas sakin.
“maraming-maraming salamat” niyakap ko rin siya (bumalik na ako sa normal)
“I’m Lizy Policarpio,and this is my best friend, Kile Ocampo”
“I’m Jenna Honasan, nice meeting you two”
“3rd year High school na kami, mukhang transferee ka ha? Anong year kana?” tanong ni kile
“3rd year din ako, yeah, transferee nga ako”
“ tara na, i-tour ka naming ni Kile “ Si Lizy
“salamat talaga” masaya kong sabi
2 weeks after…
Naging best friend ko sina Kle and Lizy. Nakakatawa at mababait sila. Galing din sila sa mayamang pamilya. Marami kaming napagkasunduan lalo na si Lizy. Parang matagal na nga kaming makakilala kahit two weeks palang. Palagi rin kaming magkakasama, magkakaklasi kasi kami.
Magkakasama kami ngayon….
Kile: Tara maglaro tayo ng DARE
Lizy: O sige ba… game?
Jenna: eh? Pano ba yon?
Lizy: ganito ang game natin, bawat isa dapat ay may ipagawa sa taya. Ikot mo na ang bote para malaman na kung sino ang kawawang taya ahaha
(pina-ikot na ang bote)
Lizy: haha, si Jenna ang taya
Kile: lagot ka! Ahaha joke !
Jenna: hmmm…(kinakabahan) ano ang dare niyo? Huwag mahirap ah
Lizy: ako na ang mauna, kilala mo naman ang gusto ko diba? Si Jed, pumunta ka sa room nila at makipag-kaibigan ka.
(hala ! hindi ko yata kaya, ni hindi ko nga kakilala si Jed eh!)
Jenna: iba na lang! hindi ko kakilala yung Jed na yun!
Lizy: easy ka lang! pumunta ka lang sa room B at i-excuse mo lang siya
Jenna: sige sige… kailan ko gagawin, ngayon na ba?
Kile: Ahy! Hindi hindi, next decade pa…
Lizy: ngayon na girl… wish you luck, masungit yon!
Pumunta na ako sa room B, pagkatok ko ng pinto… bumukas ito.
“What can I do for you, Ms. Honasan?” lagot si ma’am terror, teacher namin ito sa biology.
“Ma’am, can I excuse Jed?” formal kong sabi
“Is that Important?” tanong ni Ms. Terror
“ Yes, ma’am”pagsisinungaling ko.
Humarap si Ms. Terror sa klasi niya…
“Mr. Dean, may naghahanap sayo” Si ma’am at bumalik na sa klasi niya.
Pinilit kong maging kalmado, sabi nga nila masungit Itong Jed na ito.
Ahhh…Dean pala ang apelyido niya, parang si-----
“Yes? Anong kailangan mo” Si Jed, familiar ang boses ah. Nilingon ko siya at nagkagulatan kami.
“Jenna?!”
“Jason?!”

No comments:
Post a Comment